^

Police Metro

Bala ng Maute nauubos na

Pang-masa
Bala ng Maute nauubos na

Inihayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force Marawi na matindi ang problema umano ng Maute-ISIS terrorists na bukod sa pagkawala ng kanilang mga lider tulad ng itinalagang Emir ng Isis na si Commander Isnilo Hapilon, problema sa komunikasyon at nauubusan na rin sila ng bala habang palapit nang palapit sa pinagtataguan ng mga ito ang tropa ng pamahalaan sa apat na barangay na kanilang hawak. Lawyer Maki Datu-Ramos

MANILA, Philippines - Inihayag ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi na matindi ang problema umano ng Maute-ISIS terrorists na bukod sa pagkawala ng kanilang mga lider tulad ng itinalagang Emir ng Isis na si Commander Isnilo Hapilon, problema sa komunikasyon at nauubusan na rin sila ng bala habang palapit nang palapit sa pinagtataguan ng mga ito ang tropa ng pamahalaan sa apat na barangay na kanilang hawak.

“There is the issue of money, the issue of decision making. Some of them, especially those other groups, would like already to get away from the battle zone. Gusto na nilang lumayas, pero yung iba gusto pang mag-stay dun sa position nila”, ani Herrera.

“We are inch by inch, moving towards them yung center sa area. Apek­tado na yung moral ng Maute-ISIS, mahina na sila”, sabi pa ng ­opisyal.

Determinado ang tropa ng militar na palayain sa kuko ng terorismo ang Marawi City, subalit ang tanging nagpapabagal lamang sa operasyon  ay may hawak pa ang mga itong hostages, mara­ming mga nakatanim na bomba at iba pang mga eksplosibo sa battle zone.

Idinagdag din ni AFP-Western Min­danao Command Chief Lt. Col. Carlito Galvez na nakatanggap sila ng report na dahilan sa pagkakawatak–watak ng liderato ng Maute-ISIS ay mismong ang ilan sa mga ito ang nagpapatayan dahilan binabaril ang mga tumatakas nilang mga kasamahan.

Magugunita na sumiklab ang krisis sa lungsod noong Mayo 23 matapos na sumalakay ang daang puwersa ng Maute-ISIS na nanunog ng mga gusali, niransak ang mga establis­yemento, nang-hostage at pumaslang ng mga inosenteng sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with