^

Police Metro

Alejano irereklamo sa Ethics kapag itinuloy ang pagsasampa sa ICC

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung itutuloy ni Magdalo partylist Rep.Gary Alejano ang pagsasampa ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ay tutuluyan ng Kamara na ireklamo ito sa Ethics Committee. 

Ayon kay House Majority leader Rodolfo Fariñas, na sa ngayon ay wala pang direktiba si Speaker Pantaleon Alvarez kung dapat kasuhan si Alejano dahil sa paghahain ng impeachment complaint laban sa pangulo na  hindi nakabase sa personal  knowledge niya.

Paliwanag pa ni Fariñas, kung siya ang masusunod ay hindi na niya tutuluyan si Alejano dahil natuto na ito ng leksyon.

Subalit, kung itinuloy niya ang pagsasampa ng reklamo sa ICC laban sa pangulo ay mapipilitan umano siyang irekomenda na sampahan ito ng reklamo sa ethics committee ng Kamara.

Sa kabila nito tiwala pa rin siya na balewala ang magiging reklamo ni Alejano sa ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa mga pangyayari sa bansa dahil hindi naman crime against humanity o genocide ang nangyari dito.

Giit ni Fariñas mas nararapat  na ihain sa korte sa bansa ang reklamo ni Alejano, pagkatapos na ng termino ng pangulo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with