^

Police Metro

Drug trafficker, 4 pa tiklo sa P20M shabu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng pinagsanib na operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 at ng pulisya  ang isang big time drug trafficker at apat na iba pa habang nasamsam naman sa mga ito ang aabot  sa P20M halaga ng shabu sa buy bust operation sa isang subdibisyon sa Talisay City, Cebu kamakalawa.

Ang operasyon ay kasunod naman ng pagsabak muli ng PNP sa giyera sa droga na nasa ikalawang yugto na,  ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Marvin Abelgas, 27 anyos  na nasamsaman ng 10 malalaking pakete ng shabu, isang medium pack at tatlong small sachet  na nagkakahalaga ng P20M sa raid sa tahanan nito sa Deca Homes sa naturang lungsod.

Arestado rin sa operasyon ang iba pang hinihinalang kasabwat ni Abelgas sa illegal drug trade na kinilalang sina Juvan Torres, 28; Wyett Arceo, 19, Daphni Rose Flores, 26 at Kate Estrera na inabutan ng mga operatiba sa raid.

Sa report ni PDEA Regional Director Yogi Ruiz at ng Police Regional Office (PRO) 7, hindi nanlaban ang mga suspek ng ares­tuhin ang mga ito ng mga awtoridad kamakalawa ng umaga.

Sa tala si Abelgas ay itinuturing na high value target at level 3 drug trafficker dahilan kaya nitong magbenta ng  5 kilo ng sabu sa loob ng isang linggo.

Ang droga na tumitimbang ng 5,000 gramo ay nakalagay sa sling bag ni Abelgas at nasamsam rin ng mga operatiba ang mga ATM cards ng iba’t-ibang bangko gayundin ang P300,000.00 cash na ginamit sa buy bust ng mga awtoridad. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal at patuloy na iniimbestigahan ang mga suspek.

vuukle comment

DRUG TRAFFICKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with