^

PSN Palaro

Leonard bumida sa panalo ng Spurs

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES--Nakontrol lamang ng San Antonio Spurs ang laro sa fourth quarter patungo sa 105-97 paggupo sa Clippers na tinampukan ng 21 points ni star forward Kawhi Leonard.

Ito ang ikatlong sunod na ratsada ng Spurs.

Ang inihulog na 8-2 bomba sa pagsisimula ng fourth period ang nagbigay sa San Antonio ng 85-75 bentahe laban sa Los Angeles patungo sa pagtatala ng kanilang pang-44 panalo sa 57 games.

Nagdagdag sina guard Tony Parker at center Pau Gasol ng tig-17 points, samantalang humakot si LaMarcus Aldridge ng 15 at 11 rebounds para sa Spurs.

Nalasap naman ng Clippers ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan at ika-23 sa 58 laro.

Kumolekta si Blake Griffin ng 29 points kasunod ang 23 markers ni Austin Rivers para pangunahan ang Los Angeles.

Sa Oklahoma City, itinala ni Russell Westbrook ang kanyang league-leading na ika-28 triple double ngayong season para igiya ang Thunder sa 110-93 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Tumapos si Westbrook na may 17 points, 18 rebounds at 17 assists bukod pa sa 3 steals para sa ikalawang dikit na panalo ng Oklahoma City.

Nag-ambag sina Alex Abrines at Andre Ro­bert­son ng career-high na tig-19 points, habang kumolekta si center Steven Adams ng 15 points, 10 rebounds, 3 steals at 2 blocks para sa Thunder.

Ipinarada ng Oklahoma City ang mga bagong hugot na sina Taj Gibson at Doug McDermott mula sa Chicago Bulls.

Pinamunuan naman ni D’Angelo Russell ang La­kers sa kanyang 29 points at 6 assists, habang nagdagdag sina Fil-Am Jordan Clarkson at Julius Randle ng 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa Chicago, bumangon ang Bulls mula sa 11-point deficit sa fourth quarter para talunin ang Phoenix Suns sa overtime, 128-121  sa likod ng pagbibida ni Dwyane Wade.

Umiskor si Wade ng 23 points kasunod ang 22 markers ni Jimmy Butler para sa pangalawang sunod na tagumpay ng Chicago.

 

vuukle comment

KAWHI LEONARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with