^

Police Metro

Binaril sa ulo... OFW utas sa FB post

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 49-an­yos na ginang na isang overseas Filipino worker nang ito ay barilin sa ulo ng isang lalaki na angkas ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang  nasawi ay kinilalang si Zenaida Magora, alyas ‘Winnie Mallilin’, 49, residente ng 644 Lorenzo Chacon Street, Tondo, Maynila na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Tumakas ang gunman at sumakay sa isang  motorsiklo na minaneho ng kasama.

Hinihinala ng pulis­ya na posibleng may nagalit sa biktima sa mga patama niya sa kanyang FB post “Sh..t, panira ka ng umaga kung mag-trip ka or wala kang magawa wag nyo akong idamay dahil hindi ako adik na katulad niyo ako wala akong pakealam kung ano diskarte niyo sa buhay kaya wag niyo akong bwisitin tatawag ka para iparinig mo sa akin usapan niyo ng ho­ney m wag kang mag alala iyong iyo sya saksak mo jan sa mahaba mong baba baliw k gusto m post ko yung na-record ko na usapan nyo ha, PESTE KA.” 

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-5:10 ng hapon ay nagkakape at kakwentuhan ng biktima ang kanyang inang si Aling Marcelina, 66, malapit sa kanilang bahay nang bigla bumaba ang isang lalaki na angkas ng motorsiklo at  nilapitan ang biktima at walang kaabog-abog na binaril ito sa noo na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Nang makitang bumagsak ang biktima ay tumakas na ang mga suspek patu­ngo sa Juan Luna Street sa Tondo, bitbit ang armas na ginamit sa pagpatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with