^

Probinsiya

Rookie cop, 2 pa tiklo sa P.5-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang bagitong pulis ang ina­resto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P.5 milyong halaga ng shabu sa Sitio Pailob sa Barangay Sambang 2 sa Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina  PO1 Gem Querubin, 33, nakatalaga sa Station 11 ng Cebu City Police; Sharon Abella, 32; at si Chas Elnond Chavit, 23. Base sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PRO 7 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 kaugnay sa bentahan ng droga ng mga suspek kaya isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay PO1 Querubin at dalawa pang kasamahan nito. Nasamsam ang dalawang malalaking balot ng shabu, walong plastic sachet ng  droga (50.32 gramo) na may street value na P 593,776 at ang P2,500 cash money  na hinihinalang mula sa droga.

vuukle comment

ROOKIE COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with