^

Police Metro

Pulis na nag-iimbestiga dedo sa bangga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon ng isang aksidente nang banggaan ang nasawi habang nasugatan ang kasama nito matapos na masalpok ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng highway ng Midsayap, North Cotabato.

Ang nasawi dahil sa grabeng sugat sa katawan ay kinilalang si SPO1 Aldren Janoras habang isinugod sa pagamutan ang sugatan nitong kasama na si PO3 Jun Alestre.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa nasabing lugar nang sumulpot ang isang humahagibis na motorsiklo na minamaneho ni Kish Cabalinan at nasagasaan ang dalawang pulis.

Sa lakas nang pagka­kabangga ay nabagok ang ulo ni Janora sa espaltadong kalsada na bagaman nagawang maisugod sa pagamutan ay binawian na ng buhay.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng alak si Cabalinan na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with