^

Police Metro

Baha sa Bulacan: 1,559 katao inilikas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilikas ang nasa 356 pamil­ya o kabuuang 1, 559 katao matapos  ang pagbaha sanhi ng malalakas na buhos ng ulan na dulot ng habagat na pinatindi pa ng bagyong Helen sa lalawigan ng Bulacan kahapon.

Sa bayan ng Marilao ay nasa 200 pamilya o katumbas na 800 katao ang naapektuhan ng pagbaha sa isang barangay; nasa 77 pamilya naman o  364 katao ang naapektuhan sa Meycauayan City.

Sa Sta. Maria, Bulacan aabot naman sa 79 pamilya o nasa 395 katao ang naapektuhan ng pagbaha sa dalawang barangay sa nasabing bayan.

Nagbunsod rin sa pagkaka-stranded ng mga pasahero mula sa SM Marilao  sa Meycauayan at maging sa bahagi ng Bocaue matapos na limitado ang bumiyaheng behikulo sanhi ng tubig baha sa mga apektadong lugar.

Sinabi ni  Romina Marasigan, spokesman ng Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang mga inilikas na mamamayan na naapektuhan ng mga pagbaha ay kasalukuyang kinakanlong sa mga evacuation centers sa lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with