^

Police Metro

De Lima hinamon si Duterte... arestuhin at ikulong ako!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumambulat ang galit kahapon ni Senador Leila De Lima sa kanyang ipinatawag na presscon at dito ay hinamon ang kanyang mga kritiko at maging si Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin na lamang siya at ikulong nito.

“Inosente po ako. Tama na, nagkakamali kayo. Kung anu-ano na iniimbento ninyo,” pahayag ni De Lima  sa kanyang  press conference sa Senado.

“Hulihin na ninyo ako ngayon, iyan naman talaga gusto ninyo. Ikulong na ninyo ako ngayon,” dagdag nito.

Binanatan nito ang kanyang mga kritiko sa pagsasabing siya ang nasa likod ng riot sa Building 14 ng National Bilibid Prison na ikinasawi ng drug lord na si Tony Co habang malubhang nasugatan sina  Jaybee Sebastian, Vicente Sy, at Peter Co.

“Masyado na nila akong ginigipit. Inaapi tapos ganyan. Lahat na lang sinisisi nila sa akin and they call themselves men? Ganyan ba ang lalaki? They’re cowards, they’re fools and they’re liars,” wika ni De Lima

Magugunita na matagal nang inakusahan ni Pangulong Duterte si  De Lima dahil sa wala itong ginagawa para sugpuin ang illegal drug trade sa loob ng Bilibid noong siya pa ang justice secretary. Ilang inmates ang tumestigo na laban kay De Lima na tumatanggap ng milyones na kita sa droga.

Noong Lunes ay nagpahayag ng katiyakan ang Pa­ngulo na makukulong si De Lima dahil sa malakas ang ebidensiya laban sa kanya na kinontra naman ng huli at sinabi na ang mga saksi ay pinilit lang at tinortyur upang tumestigo laban sa kanya.

Hindi rin umano nasorpresa si De Lima na kung maganap ang riot sa Bilibid dahil iyon umano ang mensahe ng administrasyon sa mga inmates na ayaw tumestigo at idiin siya sa drug trade.

Binanatan din ni De Lima si Pangulong Duterte na kalokohan ang drug matrix nito matapos ang paghingi nito ng tawad sa pagkakasangkot sa dalawang opisyal, subalit idiin pa rin ng huli na sangkot talaga ang una sa drug trade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with