^

Police Metro

Digong handang maki-giyera vs China

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung wala nang pagpipilian pa, mas nanaisin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mamatay na lumalaban kasama ang magigiting na sundalo para sa soberenya ng bansa kaysa mamatay sa katandaan.

Ito’y sakaling hindi na maiwasan ang giyera sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng pinagtatalunang isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea dahilan sa kabila ng desisyon ng Arbitration Tribunal ng UN ay tumanggi ang huli na tanggapin ito.

Sa talumpati ng Pa­ngulo noong Biyernes ng gabi sa  10th Eastern Mindanao Command Anniversary, Naval Station Apolinario, Panacan, Davao City, sinabi ng Pangulo na dapat nakahanda ang bansa sakaling tuluyan ng umalis ang China sa formal talks dahil iisa lamang ang kahulugan nito.

Samantalang maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating Pangulong Fidel Ramos na special envoy ng Pilipinas sa China ay naniniwalang dapat nakahanda ang bansa.

“When it will come, you can ask Secretary Lorenzana, we had a very serious discussion, President Ramos and some other guys. It’s good to be prepared. Pero alam ko na I can always rely on the Armed Forces to keep the integrity of the Republic, and do not be afraid. Kung panahon ko ‘yan, ako ang mauna. Patahian mo lang ako ng uniporme na ganon, ‘yung smarte,”pahayag ni Duterte .

Idinagdag pa nito na kung mangyayari ang gusot ay mauuna siyang lalaban dahil mas nanaisin niyang ilibing na sinasaluduhan kaysa sa umabot ng 90 taong gulang at mamatay sa ba­ngungot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with