^

Police Metro

FDA sa publiko: Mag-ingat sa pekeng Guyabano juice

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naglabas ng babala sa publiko ang pamunuan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa isang brand ng supplement food na “Gu­yabano Juice” na ibenebenta ngayon sa merkado.

Sinabi ng FDA na mapanlinlang ang produktong nabanggit na ang brand name mismo ay “Guyabano juice” dahil kahit hindi ito aprubado ng kanilang ahensiya ay may logo umano ng FDA sa kabila ng hindi naman rehistrado.

Hindi rin umano dapat paniwalaan na lamang ang claim ng nasabing produkto na nakakagamot ito ng cancer, urinary tract infection (UTI), at iba pang sakit dahil baka mas makasama pa ito sa kondisyon ng mga aasa na sila ay gagaling.

Makikita umano sa labeling ng produkto na sampung libong beses na mas mabisa ang “Guya­bano juice” kaysa sa gamot na ginagamit sa chemotherapy, subalit walang nakasulat sa botelya o sa labeling kung sino, anong kumpanya at saan ito ginawa.

Dapat anya na mag-isip ang publiko kung dapat pagtiwalaan ang isang produkto bago bilhin dahil kung hindi rehistrado at aprubado ng FDA ang isang inumin o pagkain ay hindi rin makatitiyak na ligtas ang kalusugan ng kokonsumo nito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with