^

Police Metro

Ulo ng mekaniko pisak sa bus

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 26-anyos na mekaniko matapos madaganan ng bus na kaniyang kinukumpuni sa isang parking area sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Zandro Soria, stay-in mechanic sa Dilan Liner na matatagpuan sa no. 961 Dos Castillas panulukan ng Florentino Sts., Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-7:30 ng umaga ay kasama ng biktima ang kapwa mekaniko na si Francisco Ferrer, 51 at ina­ayos nila sa ilalim ng bus ang air bag nang kumalas ang kalang sa gulong.

Sinabi ni Ferrer na ang bikima ang nasa tapat ng kinukumpuning air bag habang siya ay nasa gitnang bahagi ng bus.

Naipit ang tagiliran ng biktima kasunod ng pagkalabog na ikinagulat ni Ferrer kaya gumapang palabas at nakita niya na nadaganan ang buong ulo ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with