^

Police Metro

Anak tinodas ng ama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang anak nang barilin ng sariling ama matapos ang kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng tanghali.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .22 sa kaliwang tenga na naglagos sa ulo ay kinilalang si Dennis Custodio, nasa hustong gulang, driver ng van. Habang nadakip ng mga otoridad ang ama nitong si Amadillo Custodio, 68.

Bago nangyari ang krimen, dakong alas-11:40 ng umaga sa bahay ng pamilya Custodio sa Purok 6, Brgy. Pinagtung-ulan ng lungsod ay galit na kinom­pronta ng matandang Custodio ang anak dahilan sa umano’y pag-iinom na ito bagay na sinagot naman ng huli na pera niyang pinagpaguran ang kaniyang ibinibili ng alak at hindi siya nanghihingi ng pera dito.

Dito na nagsimula ang mainitang pagtatalo ng mag-ama hanggang sa magpanting ang galit ngmatanda at agad pinaputukan ang anak na nasapul sa kaliwang bahagi ng tainga na naglagos sa ulo.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with