^

Police Metro

Mga alkalde na sangkot sa illegal drugs binalaan ni Duterte... ‘Wag kayong magkamali, mamamatay kayo’!

Rudy Andal - Pang-masa
Mga alkalde na sangkot sa illegal drugs binalaan ni Duterte... �Wag kayong magkamali, mamamatay kayo�!
Nagbabala si incoming President Rodrigo Duterte sa mga local officials na sangkot sa illegal drugs na huwag magkakamali kundi ay mamamatay sila.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Nagbabala  si incoming President Rodrigo Duterte sa mga local officials na sangkot sa illegal drugs na huwag magkakamali kundi ay mamamatay sila.

“Huwag kayong magkakamali dyan, naaawa kayo sa sarili nyo. P*****. Mamamatay kayo dyan,” giit pa ni Duterte.

Binatikos din nito ang “kawalang silbi” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi kayang labanan ang mga illegal drugs dahil sa karamihan na mga opis­yal nito ay nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng droga kaya’t dapat sibakin na ang mga ito.

Kaya’t sa pag-upo niya bilang pangulo sa June 30 ay iuutos niya na hawakan na ng militar ang PDEA.

Nais din ni Duterte na pahawakan sa militar ang Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Corrections (Bucor) na pinamamahalaan ng New Bilibid Prison (NBP) na talamak din ang droga sa loob.

Samantala, nagbabala din si incoming President Duterte sa mga korap na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC) at  Land Transportation Office (LTO).

Sa pahayag nito sa mga reporters sa Davao City ay tinawag ni Duterte na pinaka-korap ang tatlong nasabing ahensiya kaya’t dapat lamang umanong buwagin ang mga ito.

“I’m very sorry pero sabihin ko sa inyo, isa sa pinaka-corrupt na agency ang BIR, Customs, LTO -- iyang tatlong iyan... I-abolish ko na lang para wala na,” wika nito.

vuukle comment

PAMPANGA REP. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with