^

Police Metro

Paghuli sa mga nasa ‘wanted list’ pinapurihan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinuri ni Interior and Local Government ang mga miyembro ng Philippine National Police – National Capital Region (PNP – NCRPO) para sa kanilang ipinamalas na trabaho sa pagpapatupad ng OPLAN Lambat-Sibat.

Patunay ng kanilang trabaho ang  pagkakahuli ng limang miyembro ng mga criminal groups at 23 sa mga nasa Most Wanted Persons (MWPs) noong March 18-24.

Kasama sa mga nahuli ang pangalawa sa listahan ng MWP ng NCR na si Glenn Tayros, pinuno ng Glenn Tayros Group na nagsasagawa ng mga pagnanakaw at pangho-hold-up sa Kamaynilaan.

Gamit ang ‘whole of PNP approach’, naaresto si Tayros ng Criminal Investigation and Detection Group - Detection and Special Operations Unit (CIDG-DSOU) at CIDG-Northern Mindanao (CIDG-NORMIN) sa kahabaan ng Don Anselmo Bernard Avenue, Brgy. Carmen Annex, Ozamiz City noong Marso 20.

Nauna na ring inulat ang 465 na kabuuang naging aresto ng PNP mula nang ipinatupad ang Sibat noong Agosto 2014. Sa mga ito, 148 ang miyembro at pinuno ng mga criminal groups, at 317 ang MWPs.

Ang Sibat ang sangkap ng OPLAN Lambat-Sibat na tumutukoy sa mga intelligence-driven operations ng PNP na gumagamit ng deliberate, programmatic, and sustained approach sa pagpuksa ng krimenalidad.

Isang mandato ni Roxas laban sa mga MWP ang “one team, one target” policy ng OPLAN Lambat-Sibat, kung saan bumuo ng mga tracker groups na hahabol sa mga kriminal.

vuukle comment

ANG SIBAT

CARMEN ANNEX

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DETECTION AND SPECIAL OPERATIONS UNIT

DON ANSELMO BERNARD AVENUE

GLENN TAYROS

GLENN TAYROS GROUP

LAMBAT-SIBAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with