^

Police Metro

Sen. Alan, isasakripisyo ng MILF

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isiniwalat kahapon ni Senator Alan Peter Ca­yetano na may nagbabalak sa kanyang buhay dahil sa tahasang pagkontra niya sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon sa intelligence report mula sa isang law enforcement agency na  nakalap ni Senator Cayetano, isang pulitiko umano mula sa Metro Manila ang isasakripisyo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang itutumba.

Sinabi ni Cayetano na bukod sa nasabing intelligence report, may isa pang ulat mula sa “unofficial sources” na nagsasabing gusto siyang patahimikin.

 “One report came from an official report, but they requested not to divulge it in public since they are still investigating the report. The threat was specifically for me as a senator,” pahayag ni Cayetano.

Ayon pa kay Cayetano, sa official sources pina­ngalanan siya na target ng asasinasyon pero sa unofficial sources isang pulitiko lang ang tinutukoy.

“There is an specific politician in the official sources, and a politician in general in the unofficial source, who will be sacrificed for the passage of BBL,”  dagdag pa ni Cayetano.

Kung matutuloy aniya ang asasinasyon, itatanggi ito ng MILF at ituturong may kasalanan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

“Kapag nangyari iyon, palalabasin na naman ng MILF na BIFF  iyon, pero hindi naman BIFF, na palagi nilang ginagawa.  Alam n’yo ang BIFF at MILF ay BFF, best friend forever,” ani Cayetano.

Idinadag nito na sini­seryoso ng kanyang pamil­ya ang nasabing intelligence report at ikinokonsidera nila ang pagdadagdag ng security personnel para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.

Ayon pa sa senador, mula sa Marawi City hanggang Luzon ay mayroong isang black propaganda laban sa kanya na nagsasabing isa siyang anti-Muslim.

“Mula Marawi hanggang Luzon, ipinagkakalat nila na anti-Muslim ako, pero hindi nililiwanag na anti-MILF lang ako,” ani Cayetano.

Pero sa Taguig City umano na isa sa may pinakamalaking community ng Muslim, ang Maharlika Village, karamihan sa mga ito ay kanyang mga supporters.

“I am not anti-Muslim, but I am anti-MILF. In fact the chief security of Taguig City is a Muslim, why should I be an anti-Muslim,” dagdag ni Cayetano.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

CAYETANO

LUZON

MAHARLIKA VILLAGE

MARAWI CITY

METRO MANILA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with