^

Police Metro

Obrero utas sa kuryente

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang construction worker habang sugatan naman ang isang kasamahan makaraang kapwa makuryente sa kawad ng isang poste ng kuryente kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Butch Piano, 33, ng Maligaya Park, Novaliches. Habang nakaratay sa ospital ang kasama nitong si Romeo Nino, 22 na nagtamo ng 2nd degree burns sa magkabilang hita.

Sa ulat, dakong alas-9:10 ng umaga ay nasa  rooftop ng isang ginagawang gusali na matatagpuan sa kahabaan ng Edsa kanto ng Oliveros Drive, Brgy. Apolonio Sansin si Piano na nagtatanggal ng wooden cast frame ng isa sa mga poste nang aksidenteng madikit sa high tension wire ng Meralco at makuryente ito.

Agad pumanhik si Niño upang tulungan si Piano at nang tangkaing tanggalin ang huli sa kawad ay  nakuryente din siya.

vuukle comment

APOLONIO SANSIN

BRGY

BUTCH PIANO

EDSA

HABANG

MALIGAYA PARK

MERALCO

QUEZON CITY

ROMEO NINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with