^

Police Metro

‘Twin sister’, tatlong taon ginagahasa ng tiyuhin

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos tatlong taon ang nakalipas bago nadiskubre ang kahayupan ng isang jeepney driver na ginagawang parausan ang kambal na 10-anyos sa maraming pagkakataon.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Ronaldo Magno, 40, residente ng no, 2139 Elias St,. Sta. Cruz, Maynila.

Sa salaysay ng magkapatid na kambal na itinago sa pangalang Jane at Jessa na ang suspek ay live-in partner ng kanilang tiyahin.

Sa salaysay ng ama ng kambal na kamakailan lang niya nalaman sa mga anak ang panghahalay sa kanila dahil sa inilihim ito ng mga anak, lola at tiyahin sa takot na magpakamatay ang misis ng suspek.

Nang malaman ng ama ang insidente ay nagtago na ang suspek kaya hindi niya ito naipaaresto at sa paglutang nito kahapon ay dito na nila ipinaaresto sa barangay.

Sa salaysay ng kambal na isinasama sila ng suspek sa pamamasada at sa terminal  ng bus sila hinalay habang nakaparada ang jeep.

Nabatid na mula nang mabunyag ang pangyayari ay hindi na rin nakapag-aral ang kambal dahil sa mga pagbabanta ng suspek na papatayin niya ang pamilya ng mga biktima.

vuukle comment

CRUZ

ELIAS ST

JESSA

KAMBAL

MAYNILA

NABATID

NANG

RONALDO MAGNO

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with