^

Police Metro

‘Missing’ na misis ni CamNorte Gov., lumutang

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kusang umalis ang asawa ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at hindi ito nawawala at hindi din dinukot noong Oktubre 17 ng hapon na huling nakita kasama ang kaibigang si Darlene Francisco na sumakay sa isang kot­se papuntang Barangay Tres, Vinzons, Camarines Norte.

Sa pahayag ni Josie Tallado sa isang telebisyon kasama ang abogadang si Lorna Kapunan, sinabi nitong hindi siya dinukot kung hindi tumakas siya sa kanyang asawa sa takot na may mangyaring masama sa kanyang buhay.

Nag-ugat anya ang kanyang pagkatakot nang magalit ang asawa niya sa kanya matapos makita ang umano’y “sex video” nito at ng kanyang kalaguyo, saka inakusahan siyang in-upload niya ang footage sa internet.

Ayon naman kay Chief Supt. Victor Deona, Regional director ng Regional Office 5 sa paglutang ni Ginang Tallado ay lumilitaw na may kinalaman sa problemang pamilya.

vuukle comment

BARANGAY TRES

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

CHIEF SUPT

DARLENE FRANCISCO

GINANG TALLADO

JOSIE TALLADO

LORNA KAPUNAN

REGIONAL OFFICE

VICTOR DEONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with