^

Police Metro

Bagets na pumatay ng ginang sa CamSur, tiklo sa Taguig

Lordeth Bonilla at Ed Casulla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pagkalipas ng anim na araw nang gawin ng isang 15-anyos na binatilyo ang pagpatay sa isang 33-anyos na ginang sa Camarines Sur noong Oktubre 16, ay nadakip ito ng mga otoridad kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Ang suspek na itinago ang pangalan dahil sa pagi­ging menor de edad ay suspek sa pagpatay sa biktimang si Alicia Atanacio, may-asawa ng Pinamaniquian, Ligao City na nadiskubreng patay sa loob ng Ju-Al Café Bar, Brgy Paloyon,  Nabua, Camarines Sur, dakong alas-7:30 ng umaga noong October 16, 2014.

Sa ulat ng Taguig City police, alas-12:00 ng mada­ling araw nang madakip ang suspek sa Barangay Bicutan dahil sa paglabag nito ng curfew.

Habang iniimbestigahan ay nadiskubre ng mga pulis na sangkot ito sa pagpatay at pagnanakaw sa biktima na nagtamo ng apat na saksak.

Matapos gawin ang krimen ay tumakas ang binatilyo at nagtungo sa Taguig para magtago.

Ang binatilyo ay kinasuhan na ng murder ng piskalya ng Naga City prosecutor.

vuukle comment

ALICIA ATANACIO

BARANGAY BICUTAN

BRGY PALOYON

CAMARINES SUR

JU-AL CAF

LIGAO CITY

NAGA CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with