^

Police Metro

Metro Manila atbp, nilumpo ni ‘Mario’

Joy Cantos, Ricky Tulipat, Ludy Bermudo, Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilumpo ng bag­yong Mario ang Metro Manila at karatig na lalawigan nang lumubog ito sa baha sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan, simula ng mada­ling-araw kahapon.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga binahang lugar na itinaas sa red rainfall alert bagaman walang signal ng  bagyo kaya’t sinuspinde ang mga klase sa lahat ng level sa Metro Manila at 15 lalawigang apektado ng mga pagbaha dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan.

Kabilang sa mga binahang lugar na lagpas tao sa QC ay ang Araneta Avenue, Bagong Sila­ngan, Tullahan  at Dario River, Commonwealth, San Dionisio, Tatalon, Mindanao Avenue, Victoneta Avenue, Macarthur Highway na tila nagmistulang “water world”.

Umabot sa hanggang bubong ang tubig baha sa Gumamela St. sa Roxas District, lagpas tao sa Amoranto-Araneta Ave­nue habang hindi naman madaanan ng mga behikulo ang kahabaan ng Edsa at Quezon Avenue sa harapan ng Centris at inilikas sa mga evacuation centers  ang nasa 975 pamilya o mahigit 4,000 katao sa Brgy. Silangan, Quezon City na kung saan ay isang 12-anyos na dalagita, 2-anyos na si Andres Gaviola at isang 34-anyos na alyas Jr. Tagnis ang nalunod habang inililikas.

Hindi madaanan ang España Boulevard, Sampaloc, Maynila sanhi ng mataas na tubig baha habang hanggang dibdib rin ang pagbaha sa Road 14;V. Mapa; Ramon Magsaysay  Blvd., sa Sta. Mesa; Quirino, Taft Avenue; Pureza; Osmeña; Morayta; Dimasalang; Lacson; Abad Santos; Bambang; Tayuman, Claro M. Recto; Blumentritt; Quiapo; Rizal Avenue, Sta. Cruz; United Nations Avenue; Legarda; Bustillos; P. Burgos; Kalaw; R. Papa, paligid ng Manila City Hall at SM Manila.

Sinamantala naman ng ilang tambay at kalalakihan ang kumita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga improvised na bangka na kaha ng refrigerator at bath tub at ang balsa na yari sa kawayan na kanilang itinutulak patawid kung magbabayad ang mga pasahero sa halagang P20 kada tao.

Hindi naman natuwa ang mga taga-Maynila  dahil alas-6:00 na ng umaga nang magdeklara na walang pasok sa all le­vels ang mga paaralan at mga empleyado ng City Hall si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nagpatupad rin ng forced evacuation sa mga residente ng Baseco, Parola at Isla Puting Bato na pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation centers.

Sa Makati City sa Bgy. Pio del Pilar; P. Medina St., Pasong Tamo sa panulukan ng Taylo St. hanggang Dela Rosa.

Naitala rin ang matinding pagbaha sa Marikina City kung saan mahigit 5,000 pamilya ang inilikas.

Lubog din sa tubig baha ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela (CaMaVa).          

Nasa 1,550 pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa Caloocan ang dinala sa mga evacuation centers dahil sa pag-apaw ng Tullahan River.

Hindi rin madadaanan ang mga pangunahing kalsada ng Rizal Ext., at Samson Road, Sangandaan.

Nasa 533 pamilya o  2,200 indibidwal mula sa mga barangay na sakop ng Malabon City ang dinala sa mga evacuation centers.

Sa Valenzuela City ay nasa mahigit 500 pamil­ya ang dinala na rin sa mga evacuation centers na nagmula din sa mga barangay na apektado ng mataas na pagbaha at dito ay hanggang dibdib ang tubig baha sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Marulas.

 

Meralco nag-shut off

Bunga ng mga pagbaha ay napilitan ang Manila Electric Company na i-shut off na muna ang kuryente sa apat na lugar sa Quezon City dulot ng mataas na tubig baha kabilang dito ang Roose­velt Avenue, Champaca St., Roxas District, Scout Ojeda, at Old Samson Road sa Balintawak. 

Binaha rin ang mala­king bahagi ng Cainta, Rizal kaya’t isinailalim na ito sa state of calamity ni Mayor Kit Prieto kahapon.

Maging sa Taguig City ay dumanas ng mga pagbaha ang Brgy. Bagumbayan, Pinagbuklod, Wawa  at ipinatupad ang paglilikas sa mga residente.

Bukod sa Metro Manila, nakataas rin ang red rainfall alert warning sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal, Cavite at Batangas.

 

Mga biyahe kanselado

Kinansela rin ang maraming biyahe ng domestic at international flights sa Ninoy Aquino International Airport kahapon bunga ng masamang lagay ng panahon.

Nagdulot rin ng pagkaka-stranded ng mara­ming mga commuters at matinding trapik sa mga apektadong lugar.

vuukle comment

AVENUE

BRGY

CITY

MANILA

METRO MANILA

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with