^

PM Sports

Dating world boxing champion nanalo sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabunot ang pangalan ni dating Filipino world boxing champion Sonny Boy Jaro sa ‘Juan for All, All for Juan Sugod Bahay’ ng Eat Bulaga kahapon.

Nangungupahan lamang ngayon ang pamilya ni Jaro, may dalawang anak na la-lake, sa isang maliit na bahay sa Brgy. Sto Niño sa Angono, Rizal na nirerentahan niya ng P2,700 kada-buwan at kasalukuyang walang manager.

Inangkin ng 35-anyos na tubong Silay City, Bacolod ang World Boxing Council at The Ring flyweight crown matapos pabagsakin si Thailand star Pongsaklek Wonjongkam sa sixth round noong Marso 2, 2012 sa Chonburi, Thailand.

Sa nasabing laban ay tumanggap si Jaro ng premyong $100, 000 (humigit-kumulang sa P5 milyon).

Ngunit dahil sa sobrang kabaitan sa mga kaibigang nangangailangan ng tulong ay walang naitabing pera si Jaro para sana sa isang sariling bahay at negosyo.

“Minsan lang makahawak ng malaking pera. Hindi maiwasang gumastos nang gumastos,” sabi ni Jaro, kasalukuyang nagdadala ng 44-14-5 win-loss-draw ring record kasama ang 30 knockouts. “Noong nagkapamilya ako talagang nanghinayang ako sa mga nagawa ko dati.”

Naisuko ni Jaro ang kanyang WBC at The Ring flyweight titles kay Toshiyuki Igarashi ng Japan via split decision sa kanyang unang title defense noong Hulyo 16, 2012 sa Saitama, Japan.

Dahil sa kahirapan ay napilitang ibenta ni Jaro ang kanyang mga napanalunang boxing belts sa mga mayayamang kolektor.

“Naibenta ko na ‘yung mga (boxing) belt ko dahil sa kahirapan ng buhay namin. Aanhin mo ‘yung belt mo kung nakikita mo namang nagugutom ang pamilya mo,” ani Jaro.

Nagmula si Jaro sa eigth-round KO loss kay Pinoy fighter Jonas Sultan noong Mayo 7, 2017 sa Angono, Rizal at nakatakda muling lumaban sa Pebrero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with