Basketball at MMA mapapanood sa ABS-CBN S+A
MANILA, Philippines — Ihahatid ng ABS-CBN S+A ang isa na namang maaksyong weekend sa mga Kapamilya sports fans sa pagsasaere ng mga laban sa basketball at mixed martial arts.
Makikipagsagupa ang Tanduay-Alab Pilipinas sa CSL Knights Indonesia sa ASEAN Basketball League (ABL) na mapapanood ng LIVE sa S+A at S+A HD ngayong alas-8 ng gabi mula sa GOT Kertajaya Surabaya, Indonesia.
Maghaharap naman sa loob ng hawla ng ONE Championship sa pag-ere ng “Kings of Courage” mula sa Jakarta Convention sa Indonesia para sa main event ang unang Women’s Strawweight World Championship nina Tiffany “No Chill” Teo (7-0, 2 KOs) ng Singapore at Jingnan “The Panda” Xiong (10-1, 7KOs) ng China.
Target naman ng Pinoy MMA fighter na si Rene Catalan (3-2) na makamit ang unang panalo ng isang Pilipino sa ONE Championship ngayong taon sa kanyang pagharap kay Xuen Peng (1-1) ng China sa undercard.
Para sa karagdagang mga istorya at impormas-yon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.
- Latest