^

PM Sports

Lady Red Spikers sumosyo

Pang-masa
Lady Red Spikers sumosyo

Si Sattriani Espiritu ng San Beda laban kay Katrina Racelis ng Mapua. (PM photo ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Pumatas sa pamumuno ng women’s division kasama ng reigning wo-men’s titlist Arellano University ang San Beda College matapos nitong igupo ang Mapua kahapon, 25-23, 25-14, 22-25, 25-15 sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng 19-puntos na kinapapalooban ng 17 hits si skipper Cesca Racraquin habang umiskor ng 14-puntos at 13-puntos sina Nieza Viray at Trisha Paras ayon sa pagkakasunod para pangunahan ang Lady Red Spikers sa pag-angkin ng kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Mag-isa namang nagtala ng double digit para sa Lady Cardinals si Dianne Latayan na may 10 puntos.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Mapua sa ilalim ng team standings sa kabaligtarang 0-4, panalo-talo kasalo ng Emilio Aguinaldo College.

Sa unang laro, nasolo naman ng Red Spikers ang ikalawang puwesto sa men’s division kasunod ng mga namumunong Arellano at University of Perpetual (4-0) matapos iposte  ang ikatlong panalo sa pamamagitan ng 25-18, 28-26, 26-28, 25-20 paggapi sa Cardinals.

Nagposte ng game-high na 25-puntos si Mark Christian Enciso na kinabibilangan ng 22 hits at 2 blocks bukod pa sa 7- digs para giyahan ang San Beda sa pag-angat sa 3-1, panalo-talo.

Nagdagdag naman ng 15-puntos bukod pa sa 22-excellent receptions si Jomaru Amacan para sa Red Spikers habang namuno naman si Angelino Pertierra para sa Cardinals na nahulog sa patas na barahang 2-2 sa iniskor nitong 15-puntos.

Sa ikalawang wo-men’s match, nakabalik sa winning track ang kaha-nga-hangang 7-man team ng San Sebastian College matapos walisin ang College of St. Benilde,  25-23, 25-19, 25-23.

Nagtala ng 19-puntos si Nikka Dalisay habang nagdagdag ng 12 at 11 puntos sina Joyce Sta.Rita at Daurene Santos ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Lady Stags sa kanilang ikalawang panalo.

Bukod sa pagputol sa dalawang sunod nilang pagkatalo, nakatabla din ang Lady Stags sa ikatlong puwesto. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with