^

PM Sports

Bumawi ang Lady Altas

Pang-masa
Bumawi ang Lady Altas

Humataw si Cindy Imbo ng Perpetual laban kay Merille Dalisay ng San Sebastian. (PM photo ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Nakabangon ang University of Perpetual Help sa nakaraan nilang pagkabigo matapos gapiin ang season host San Sebastian College sa isang  5-setter,  25-22, 25-23, 7-25, 18-25, 15-11 kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon,  tila ipinagkanulo ang Lady Stags ng maikli nilang rotation pagkaraang maitabla ang laban sa pamamagitan ng dalawang malaking panalo partikular sa third set matapos mabigo sa unang dalawang frames.

Umiskor ng magkakasunod na 15, 14 at 12 puntos sina Maria Lourdes Clemente,  Cindy Imbo at Bianca Tripoli  upang pamunuan ang Lady Altas sa panalo na nag-angat sa kanila sa ikatlong puwesto taglay ang 2-1 pana-lo-talo kapantay ng Jose Rizal University.

Nasayang naman ang career high na 22-puntos ni Daureen Santos dahil sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nabigo ang Lady Stags na gumamit lamang ulit ng pitong players sa loob ng limang sets.

Nauna rito, bumangon ang Mapua University sa pitpitang kabiguan sa third frame upang  maigupo ang Lyceum of the Philippines University, 27-25, 25-22, 24-26, 25-21 para sa ikalawang sunod nilang panalo sa men’s division.

Nakagawa ang Cardinals ng  37 errors na naging sanhi ng pagkawala ng kalamangan sa kanilang kamay at panalo sa third frame.

Sumandig  lamang sila sa mga hits nina captain Anjo Pertierra at senior Sam Damian.

“Ang maganda kahit nag-error kami, nasa-side out agad namin,” wika ni Pertierra. “Buti na lang nasa-side out namin at di lumalayo ‘yung kalaban.”

Nagtala si Pertierra ng 12 puntos kasunod ng topscorer na si Mark Jason Egan na may 19 puntos na binubuo ng  16 attacks at 3 blocks  kabilang na ang  game-clinching block.

Dahil sa panalo, umangat  ang Cardinals sa 2-1 panalo-talo.

Pinangunahan  naman ang winless pa ring Pirates ni  Jhonel Nexus na may  21 puntos.

Kinumpleto naman ng Lady Pirates ang double kill para sa Lyceum matapos nilang gapiin ang Mapua Lady Cardinals,  26-24,24-26,25-21,25-17.

Nagsipagtala ng tig-18 puntos sina Elaine Juanillo at Monica Jane Sevilla para pamunuan ang LPU sa una nitong panalo kontra sa dalawang talo na nagbaon naman sa Mapua sa ilalim kasalo ang Emilio Aguinaldo College  na wala pa ring panalo matapos ang tatlong laro. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with