^

PM Sports

Romeo inimbitahan maglaro sa FIBA 3x3 World Cup

Pang-masa
Romeo inimbitahan maglaro sa FIBA 3x3 World Cup

Terrence Romeo

MANILA, Philippines — Inimbitahan ni SBP executive director Sonny Barrios si Gilas at GlobalPort standout Terrence Romeo para pangunahan ang host Philippine team sa FIBA 3x3 World Cup dito sa Manila sa June 8-12.

Nakipagkita ang 25-gulang na si Romeo kay Barrios matapos igupo ng GlobalPort ang Rain Or Shine, 78-70 sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena noong Biyernes.

 Sinabi ni Romeo, nasa injured list pa rin dahil nagte-therapy pa ng kanang tuhod na nabugbog at posibleng makalaro pagkatapos ng unang kumperensiya.

Nagkaroon ng pasa si Romeo sa kanyang tuhod sa pagkampanya sa FIBA Asia Cup sa Lebanon noong August.  Nagpasiklab ito sa 96-87 panalo ng Gilas 96-87 kontra sa China sa pagbukas ng kanilang kampanya kung saan umiskor ito ng 26 points kabilang ang 5-of-7 triples. 

Pagkatapos ng FIBA tourney, lumaro siya ng anim na games para sa GlobalPort sa Governors’ Cup  ngunit wala sa 100 percent ang kanyang laro. Hindi na siya lumaro sa laban ng Globalport kontra sa Meralco at natalo ang Batang Pier sa huling 5-games.

 “Hindi pa ako ready lumaro nga-yon,” ani Romeo.  “Nagre-rehab pa ako, Light jogging pa lang ang kaya ko at stationary shooting.  I watch what I eat so I don’t gain weight.  Sana pagkatapos ko ng therapy ko, 100% na ako. Kung lalaro na ako ngayon, baka hindi pa ako makatulong sa team. Baka makaabala lang ako sa mga teammates ko. Hindi ko pa kayang lumaro ng dati kong laro. Unfair naman sa team. Ayaw kong ma-dissapoint ang mga fans.”

Tinanggihan ni Romeo ang gagawin sanang operasyon para ayusin ang kanyang tuhod.

“Nabugbog lang,” ani Romeo. “Sabi ng doctor, hindi kailangang operahan, kailangang palakasin ko lang ang tuhod ko, kung mamadaliin ko, baka lumala. Ayaw ng doctor na makipagsapalaran ako.”

Sinabi ni Romeo na handa siyang lumaro sa  third qualifying window laban sa Chinese-Taipei sa Taiwan sa June 29 at kontra sa Australia dito sa Manila sa July 2. 

Available din siya sa FIBA 3x3 World Cup sa June 8-12 sa pagho-host ng Pinas para sa 20 men’s at 20 women’s teams. 

Kabilang sa men’s teams ang Brazil, Canada, Russia, Japan at defending champion Serbia. Kasama sa women’s teams ang US, Argentina, China, France, Iran, Italy, Spain at defending champion Russia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with