^

PM Sports

Lady Chiefs nagsolo sa liderato

Pang-masa
Lady Chiefs nagsolo sa liderato

Hinatawan ni Grace Verzosa ng JRU sina Crislie Jean Pablo at Yvonne Tasis ng EAC. (PM photo ni Jun Mendoza)

 

MANILA, Philippines — Muling nagningning ang performance ng roo-kie na si Nicole Ebuen matapos niyang panguna-han ang paggapi ng Arellano University sa kanyang dating paaralang Letran para manatiling malinis ang record ng Lady Chiefs upang masolo ang pamumuno sa  women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament.

Isang oras at dalawang minuto lamang ang kinailangan ng Lady Chiefs para pataubin ang  Lady Knights, 25-17, 25-17, 25-12 kahapon sa  FilOil Flying V Centre sa  San Juan.

Ang tagumpay ang ikatlong sunod para sa Arellano na nagpalawig  sa kanilang winning streak sa 15 games na nagsimula noon pang nakaraang season.

“Siguro lumabas pa rin ‘yung pinag-ensayuhan namin. Siguro talagang seryoso na sila sa pinag-usapan namin na kailangan naming i-defend ang title,” pahayag ni Arellano University  coach Obet Javier.

Lumipat buhat  sa Letran Team B si Ebuen na nagtala ng  game-high  na 11-puntos para sa Lady Chiefs bukod pa sa walong digs.

Nagposte  din ng 11-puntos si Regine Arocha na kinabibilangan ng 7 attacks at 4  service aces para sa Arellano na ginamit na rin sa wakas ang kanilang setter na si Rhea Ramirez.

Ipinasok ang reigning Best Setter na si Ramirez sa second at third sets.

Bunga ng pagkabigo, bumaba ang Lady Knights sa 1-2 panalo-talo.

Sa ikalawang laro sa women’s division, nagpatuloy ang magandang laro ni Maria Shola Alvarez para pamunuan ang  Jose Rizal University sa kanilang ikalawang sunod na straight sets win, 25-20, 25-16, 25-16  kontra sa Emilio Aguinaldo College.

Nagposte ang  graduating hitter na si Alvarez ng  24 puntos, 22 dito ay pawang kills  para iangat ang Lady Bombers’ sa markang 2-1 panalo talo.

Nag-ambag din  si Alvarez sa depensa matapos umiskor ng 11 digs at 8 excellent receptions.  

“I think talagang malaking factor siya  sa panalo laban sa San Sebastian. At least ‘yung mga girls nga naniniwala na kaya na nilang mag-compete,” ani JRU coach Mia Tioseco. “I guess mas aggressive na sila. Hopefully, step by step magtuluy-tuloy ang panalo.”

Dahil sa kabiguan,  lalong nabaon sa ilalim ang EAC na bumagsak sa barahang  0-3.

Samantala, napanatili  din ng  Chiefs ang malinis nilang baraha matapos talunin ang Knights, 25-16, 25-12, 25-15, sa  men’s division.

Nakaiwas  naman ang Letran sa shutout sa pamamagitan ng Squires  makaraan nitong gapiin 25-23, 25-21, 21-25, 25-20, ang  Braves sa juniors play.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with