^

PM Sports

SBP suportado ng Kongreso

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tutulungan ng Kongreso ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makabuo ng palabang koponan para sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng Pinas.

Ayon kay Antipolo Representative Robbie Puno, sisikapin nilang maobliga ang isang team na magpahiram ng player sa national team at ang isang player na maglaro sa pambansang koponan.

“There are moves we at Congress are looking at,” sabi ni Puno, vice chairman ng SBP. “I have dabbled with certain provisions like for example penalizing people (players) who do not want to represent the country. But that may be unconstitutional.

May parusa ang team o player na hindi makikipagtulungan sa bubuuing national squad.

“What we are looking at right now is the possibility of instituting some penalties on associations or teams that do not allow their players to be part of the national team,” ani Puno.

Lagi na lang nagiging problema ang pagbuo ng national team dahil karamihan sa magagaling na players ay nasa Philippine Basketball Association (PBA) na nakakontrata sa kanilang mga mother teams.

Dahil dito, makakapag-ensayo lamang sila sa national team kung sila ay libre na sa kanilang obligasyon sa kani-kanilang koponan. Dahil dito, hindi nakakapag-ensayo ng matagal ang ilalabang team at nabubuo lamang kapag malapit na ang torneo.

Ang ilan, naiipit sa kanilang obligasyon sa team at sa paglalaro para sa bansa dahil sa pangamba na ma-injury habang naglalaro para sa national team na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng kanilang pagkakakitaan.

Dahil malaking torneo ang World Cup, umaasa si Chot Reyes na tutulong ang lahat ng mga basketball stakeholders.

Hindi naman masisisi ang mga teams na nag-aalangan sa pagpapahiram ng players dahil ma-laki ang kanilang pasahod at gastos na masasayang lamang kung magkaka-injury ang kanilang player.

Ang Congress ay naghahanap ng paraan na matulungan ang SBP sa pagpapabilis ng naturalization process  para sa mapipiling foreign player.

Nakikipagtulungan din si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Ca-yetano sa SBP.

“I appeal to team owners not only to basketball or volleyball but all other sports,” aniya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with