^

PM Sports

UFC walang balak ilaban si McGregor kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang isinara ni Ultimate Fighting Championship president Dana White ang pintuan para sa posibleng pahaharap nina Conor McGregor at Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring.

Sa kanyang social media account ay ipinoste ni White na hindi na muling makikipagboksing si McGregor, ang UFC lightweight titlist.

“He’s not boxing anyone so calm down cry babies,” wika ni White na nagbuhos ng malamig na tu­big sa hinahangad na boxing fight ni Pacquiao kay Mc­Gregor sa Abril ng 2018.

Ayon kay White, itataya ni McGregor ang kanyang UFC lightweight crown laban kay interim titlist Tony Ferguson sa susunod na taon.

Kamakailan ay inamin ni Pacquiao na mayroon siyang kinatawan na kumakausap sa kampo ni McGregor.

Sinabi naman ni White na handa siyang idemanda si Pacquiao o kung sinumang kinatawan ng Filipino boxing superstar na nakikipag-usap sa 29-anyos na Irish fighter.

Nauna nang ginawa ni McGregor ang kanyang boxing debut noong Agosto kung saan siya pinasuko ni Floyd Mayweather, Jr,. via tenth-round stoppage sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nagbulsa si Mayweather ng higit sa $300 milyon at $100 milyon naman ang nakuha ni McGregor.

Humakot ang nasabing laban ng $55 milyon sa live gate pangalawa sa record na $72 milyon ng super fight nina Pacquiao at Mayweather noong Mayo ng 2015.

Noong Nobyembre 23 ay nagposte si Pacquiao sa kanyang Twitter account na “Happy thanksgiving, stay fit my friend” na may larawan ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at may kasamang hashtag na “realboxingmatch.”

Hanggang ngayon ay walang isinagot si McGre­gor kay Pacquiao dahil alam niyang mayroon siyang exclusive contract sa UFC at maaaring mademanda kung makikipag-usap sa Senador para sa isang bo­xing bout.

Pinabulaanan naman ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions na may nangyayaring negosasyon sa mga kampo nina Pacquiao at McGregor.

Samantala, bukas pa rin ang pintuan ng kampo ni Australian world welterweight king Jeff Horn para sa kanyang rematch kay Pacquiao.

“Let me say very clearly I’m not letting any rematch go to any other state,’’ wika ni Queensland Pre­mier Annastacia Palaszczuk.

“My government backed Jeff and of course we would always be willing to sit down and discuss future options,’’ dagdag pa nito.

Tinalo ni Horn si Pacquiao via unanimous decision para agawin kay ‘Pacman’ ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown no­­ong Hulyo 2 sa dinumog na Suncorp Stadium sa Bris­bane, Australia.

May rematch clause na nakasaad sa fight contract nina Pacquiao at Horn.

Matagumpay na naidepensa ng 29-anyos na si Horn ang kanyang bitbit na WBO belt nang talunin si Gary Corcoran via 11-round stoppage noong Miyer­kules sa Brisbane Convention & Exhibition Centre.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with