^

PM Sports

Lasquety coach sa D-League

Pang-masa

MANILA, Philippines — Makaraang ma­ging ka­u­na-unahang pla­ying assistant coach sa NCAA history ay ma­gi­ging pinakabatang head coach naman sa PBA-Developmental League si Gio Nicolo Las­quety.

Kasunod ng pagta­talaga ng kanyang head coach na si Vergel Me­neses bilang isa sa kanyang deputy sa Jose Ri­zal University Heavy Bombers sa nakaraang NCAA Season 93 men's basketball tournament,  nakatakdang umupo si Las­quety bilang head coach ng JRU sa dara­ting na 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Enero 18.

“Si Gio ang magko-coach sa JRU sa D-League,” ani Meneses.

Sa timbre ng kanyang  pananalita ay  ki­tang-kita kay Meneses ang malaking tiwala sa ka­kayahan ng dating Hea­vy Bombers guard na nagtapos ang playing years sa NCAA  nga­yong taon.

“Marunong siya at na­ki­kita niya kung ano ang dapat gawin. Kaya niyang basahin at guma­wa ng play sa isang sitwasyon,” ani Meneses.

Dahil sa  nakikitang po­tensyal sa 23-anyos na si Lasquety, hangad ni Meneses na masanay itong mabuti. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with