^

PM Sports

‘Blue Eagles Bond of Brothers’

Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos iilan lamang ang nakababatid na malalim at mahaba ang pinagmulan at naging paglalakbay ng UAAP Season 80 men’s basketball champion Ateneo de Manila University bago nila naabot ang tugatog ng tagumpay.

Kumpara sa nakagawiang matitinding ensayo at pre-season preparation hanggang sa kanilang season first game, nagsimula ito sa  kanilang paglalakbay mula Katipunan hanggang sa bayan ng  Baler sa Aurora kung saan naganap ang maituturing nilang pinakamahirap na training camp na kanilang dinanas.

Ang mga paghihirap na naranasan nila sa nasabing training camp ang siyang nagpalakas at nagpatatag sa buong Ateneo squad ayon kay Blue Eagles co-captain Mike Nieto.

“The 10 months we spent with coach Tab, ‘yung lahat ng mga sakripisyo, talagang napakahirap,” pahayag ni Nieto  “Puwedeng sabihin na pinakamahirap ang mga pinagdaanan namin noong offseason.”

“Yung Baler ang pinaka-worst week, at simula noon, natanim na sa isip namin na hindi kami puwedeng mag-give-up.”

Inamin naman ni Baldwin na ang brutal approach sa ginawa niya sa training camp ay natutunan niya kay legendary NCAA football coach Paul “Bear” Bryant  nang gabayan nito ang Texas A&M sa Southwest Conference title noong 1954.

“It was built around the fact that it was very difficult for young men who are at the height of their physical prowess, all of whom have egos that are fed by loving pa-rents, adoring girlfriends, adoring fans, victories along the way, and these egos need to be broken down and submitted to the whole purpose,” pahayag  ni Baldwin.

“The best way to break ego is to break the man, reduce the man to a state where he can’t do things on his own, that he requires the assistance of others in order to accomplish something,” dagdag pa ni Baldwin na siya ring nagbigay ng bansag  sa mga pangyayari sa Baler bilang #BEBOB.

Ang #BEBOB na nagsilbing  battlecry ng Blue Eagles sa kabuuan ng season ay nangangahulugang Blue Eagles Bond of Brothers ayon kay team captain Vince Tolentino.

Sa mga naranasan nila sa nasabing training camp,  nakuha ng Blue Eagles na makabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalong  nalasap sa kamay ng De La Salle sa pagtatapos ng second round at sa Far Eastern University sa simula ng Final Four upang umabot ng finals.

“After that two losses, that was when we showed how united this team is,” wika pa ni  Baldwin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with