^

PM Sports

Produktibong taon para kay Biado

Pang-masa

Dalawang titulo ang naisubi

MANILA, Philippines — Ibinalik ni Carlo Biado ang titulo ng World 9-Ball Cup sa Pinas matapos maging panglimang Filipino cue artist na naghari sa naturang kumpetisyon simula nang una itong idinaos noong 1990.

Ang una ay si Efren “Bata” Reyes noong 1999 at ang ikalawa ay si Alex Pagulayan noong 2004. Pangatlo si Ronnie Alcano noong 2006 at sumunod si Francisco “Django” Bustamante noong 2010.

Sa panalo ng 34-an-yos na si Biado ngayong 2017 edition ng torneo, bumalik sa Pinas ang korona matapos ang mahigit pitong taon sa pamamagitan ni Bustamante kaya ang Pilipinas ay isa sa may pinakamaraming nakuhang titulo sa taunang kompetisyon.

Tinalo ng taga-La Union na si Biado ang kababayang si Roland Garcia, 13-5 sa pambihirang All-Filipino Finals ng World 9-Ball cham-pionship noong Huwebes sa Doha, Qatar.

“Masaya akong napabilang sa limang Filipino na nagkampeon sa World 9-Ball championhip. Pinaghirapan ko talaga ito. Ang panalo ko is like a dream come true,” sabi ni Biado sa kanyang Facebook post matapos ang laban nila ng 36-anyos na si Garcia.

Si Biado na rin ang Pilipinong may pinaka-maraming major title na nakuha sa taong ito. Kampeon din siya sa 2017 9-ball World Games sa Poland noong Hulyo 30.

“It’s been a long time. Salamat na lang at natupad ko ang matagal ko nang pangarap,” dagdag ni Biado.

Kung natatandaan, nagwagi si Biado laban kay Jayson Shaw  ng Great Britain, 11-7 sa Finals ng nasabing torneo upang maging unang Pinoy na naka-gold  sa World Games.

Ang ikatlong major title ni Biado ay sa nakaraang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 27.

Tinalo ni Biado ang Vietnamese na si Duong Quoc Hoang sa Finals, 9-5 para angkinin ang gintong medalya sa men’s 9-ball singles event ng Sea Games.

Sa kanyang panalo sa 2017 9–Ball World championship, nakuha ni Biado ang mahigit $30,000 US dollars top prize at $15,000 US dollars ang naiuwi ni Garcia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with