^

PM Sports

Pacman dedma lang sa babala ng UFC

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala kamakalawa si Ultimate Fighting Championship (UFC) president Dana White na idedemanda si Manny Pacquiao kung makikipag-usap kay Conor McGregor para sa isang boxing match sa 2018.

Kahapon ay pinabulaanan naman ni Pacquiao na personal niyang nililigawan ang UFC lightweight titlist para sa kanilang bakbakan sa ibabaw ng boxing ring.

“Hindi ko naman sinagot ‘yon kasi hindi naman ako ang nakikipag-usap sa kanila (McGregor) kundi ‘yung ibang tao,” sabi ng Filipino world eight-division champion.

Nauna nang nagparamdam si Pacquiao, magdiriwang ng kanyang ika-39 kaarawan sa Disyembre 17, kay McGregor matapos magposte sa kanyang Twitter at Instagram account ng larawan ni McGregor na nakaupo sa isang sofa at binati niya ng “Happy Thanksgiving Day” noong Nobyembre 23 at sinabihan na magpakondisyon para sa tunay na boxing fight sa susunod na taon.

“May mga bali-balita lang, pero siyempre may representative si McGregor na nakikipag-usap sa representative ko,” wika ni Pacquiao.

“But I don’t know yet sa conversation nila kasi sabi nila he is willing to fight. Pero hindi pa natin alam dahil mahirap mgbigay ng conclusion kung ano ang mangyayari. Hintayin na lang natin,” dagdag pa nito.

Huling lumaban si ‘Pacman’ noong Hulyo 2 kung saan niya nabitawan ang bitbit na World Boxing Organization welterweight belt laban kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

Kamakailan ay pinabulaanan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may nangyayaring pag-uusap sa pagitan nina Pacquiao at McGregor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with