Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakaahon ang Iriga

MANILA, Philippines — Nakaahon ang Iriga City sa kanilang kinahulugang four-game losing streak matapos walisin ang Victoria Sports-University of Santo Tomas, 25-19, 25-21, 25-20 kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 Philippine Superliga Grand Prix sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Nag-take-over para sa Oragons ang kanilang Croatian importnasiTamara Kmezic partikular sa third set nang magbantang bumalikwas angTigresses.

“We need this victory to boost our ranking in the quarterfinals,” pahayag ni Iriga City coach Parley Tupas. “We want to come up with a strong finish (in the eliminations) and prepare for the quarterfinals where we would probably be facing top teams like Petron, F2 Logistics and Foton. Our last two matches against Petron and F2 Logistics will be very crucial.”

Bunga ng panalo, tumaas ang Oragons sa 2-4 panalo-talo habang nanatiling bokya ang Tigresses matapos ang anim na laro.

Umiskor si Kmezic ng 20-puntos na kinapapalooban ng 17 hits 1 block at 2 aces kasama na rito ang mahahalagang puntos na pumigil sa tangkang paghabol ng Tigresses sa third set.

Namuno naman para sa Victoria Sports-UST si Carla Sandoval na nagposte ng 14-puntos kasunod si Dimdim Pacers na nagtala ng 11 puntos.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinagasaan ng Ora-gons ang pangit na reception ng Tigresses na nakapagtala lamang ng 8 excellent reception kumpara sa 14 ng una sa pamamagitan ng pagpapaulan ng  spikes ni Kmezic,  41-34.

Nakuha namang maka dikit ng Tigresses sa laro  dahil bumawi ang  UST sa service 10-7 gayundin sa digs,  32-23.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: