^

PM Sports

Limang gintong medalya na si Kyla Soguilon

Pang-masa

Dumaguete City, Philippines — Bumawi agad ang Palarong Pambansa champion na si Kyla Soguilon sa paghakot ng tatlong gintong medalya kahapon para sa kabuuang lima  sa swimming competition habang tig-apat naman sina Sophia Chloe Laurente ng Ormoc City at Gabriel Manique ng Tagbilaran sa pagpatuloy ng 2017 Batang Pinoy Visayas Leg sa Gov. Lorenzo Teves Memorial Aquatic Center dito.

Dahil magiging 13-anyos na si Soguilon ngayong Nobyembre 28, nagsimula na siyang kumampanya sa 13-15-year old category kaya nag-adjust pa siya sa mga malalaking kalaban na nagresulta ng silver medal finish sa 13-15-year 200-m backstroke (2:38.11) noong Linggo.

“Mahirap kasi nanibago ako sa mas mataas na category. Pero sa tingin ko ngayon kaya ko pa rin. Kailangan lang ang adjustment sa transition period,” sabi ni Soguilon.

Nanalo si Soguilon sa 13-15-year 100-m backstroke (1:11.99) at 50-m butterfly dagdag sa kanyang mga naunang panalo sa 200-m individual medley at 50-m backstroke  noong Sabado.

Sa huling event ng ikatlong araw ng swimming, pinangunahan niya ang Aklan team sa panalo sa 13-15-year 200-m medley relay (2:25.75) para sa kabuuang limang ginto at isang silver medal sa kumpetisyon.

“Mayroon pa akong 4x50 freestyle relay bukas sana manalo ulit. Sa umpisa lamang ang hirap sa pag-adjust. Kailangan kasing mag-adjust na dahil high school na ako nga-yon, no choice ako” dagdag ng Grade VII student sa Regional Science High School sa Kalibo, Aklan.

Nahirang si Soguilon na MVP sa swimming competition ng 2017 Pa-larong Pambansa matapos umani ng kabuuang 6 golds at 1 silver. Sa ngayon nananatiling pambato ng Western Visayas sa high school division si Soguilon sa darating na 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.

Nanalo naman si  Manique, isang high school varsity swimmer ngayon sa University of the East sa Manila sa boys 13-15-year 400-m freestyle (4:36.66) at sa 100-m backstroke (1:07.88) kmatapos manalo sa 50-m backstroke (31.17) at 200-m backstroke (2:27.41) noong Linggo.

Ang Grade VII student ng Ormoc City National High School na si Laurente ay nagdomina naman sa girls 12-year and under 50-m butterfly (33.60). Ang ibang pang gold nito ay sa 100-m butterfly,  200-m indivi-dual medley at 50-m backstroke noong Linggo.

Nanatiling hawak ng Aklan ang liderato sa swimming sa 13 golds, 9 silvers at 4 bronzes kasunod ang Ormoc City na may 6-4-5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with