^

PM Sports

Maraming lahok si Ed Gonzales

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maraming entries ang nagsisali ngayon sa pa-karera sa Metro Turf, Malvar-Tanauan, Batangas kung saan pitong karera ang nailatag ng handicapping office at full gate agad sa unang karera.

Kapansin-pansin na maraming isinaling kabayo ang businessman/sportsman na si Eduardo E. Gonzalez dahil lima sa pitong karera ang kanyang pinasukan ng kabayo.

Ang mga aabangang kabayo ni Gonzalez ay ang Queen Hayley, Super Gee, Lirpa’s Choice, Simply Believe, Always On Time at Gee’s Account.

 Sa tingin ng mga eksperto ay malaki ang maipapanalo ng Lirpa’s Choice at Always On Time sa kani-kanilang grupo.

Samantala, nagpasikat rin ang handicapping office ng San Lazaro Leisure Park dahil bukas  ng gabi ay siyam ang kanilang inihanda at maganda ang line-up.

Ang isa sa susubaybayang karera ay ang tatakbo sa ikaapat na karera para sa mga two year old na pangarerang mga babaeng kabayo. Walo lahat ang kabayo pero pito lang sa numero.

Ang mga kalahok ay ang Special Dream ni C.P. Sigua, Easy To Win ni R.D. Raquel Jr., Dimakya Island ni JOA Guce Jr., Lucky Saver ni K.B. Abobo, Golden Octagon ni F.M. Raquel Jr., Exaggeration ni O.P. Cortez, Dedication ni E.G. Reyes Jr., at Money in My Pocket ni A.B. Serios.

Siyam na karera rin naman ang nagawa para sa Miyerkules ng gabi at ang babantayan ng mga karerista ay ang ilalargang two year old horses na pangarerang lalakeng runners.

Ang mga kalahok ay ang sumusunod: Run And Gun ni B.Z. Llarenas, Sangat Island ni J.T. Zarate, Smell My Tail ni J.A. Pastoral, The Barrister ni C.P. Henson, Hall Of Justice ni E.G. Guerra, Nounpareil ni E.G. Reyes Jr., at Momentum ni J.B. Guce.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with