Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

3rd win puntirya ng F2 Logistics

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng  F2 Logistics ang ikatlong sunod nilang panalo sa pagtutuos nila ng Cocolife ngayong gabi sa tampok na laban ng nakatakdang double header sa Chooks To Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na dadayo sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Magtutuos ang Cargo Movers at ang Asset Managers  sa alas-6:00 ng gabi pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng  Iriga City at Cignal sa alas-4:00 ng hapon.

Pagtitibayin ng Cargo Movers ang kapit sa ikalawang posisyon sa likod ng solong lider na Foton na may malinis na markang 4-0.

Unang tinalo ng F2 Logistics ang dating unbeaten na Petron sa Bacolod City bago winalis ang Sta. Lucia Realty sa sumunod nilang laro.

“We’re off to a good start. But we have to be careful because all teams are also preparing,” pahayag ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

Aminado rin si De Jesus na hindi magiging madali ang nakatakda nilang laban kontra sa isang veteran squad na gaya ng Cocolife.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa pamumuno ni Tina Salak, kasama sina  Mary Jean Balse, Joanne Bunag, Michele Gumabao, Denden Lazaro at mga  imports na sina Taylor Milton at Tai Manu-Olevao, nagtala ang Asset Managers ng back-to-back victories matapos ang unang dalawang talo.

Pinakahuli nilang tinalo ang guest squad na Victoria Sports-UST – na nagbigay sa kanila ng kumpiyansa patungo sa laban kontra  saF2 Logistics.

“I watched their game against UST and they still won convincingly even if Tina didn’t play,” ani  De Jesus na muli namang sasandig kina imports Kennedy Bryan ng United States at Maria Jose Perez ng Venezuela at mga local stars na sina Kianna Dy, Aby Maraño, Kim Fajardo at libero Dawn Macandili.

“Cocolife is on a different level whenever Tina is around. That’s something we have to address. We have to prepare hard because this team is a ve-teran team,” dagdag pa nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: