Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Simula na ang laban ng Baby Tams

MANILA, Philippines — Uumpisahan ngayon ng Far Eastern University-Diliman ang kanilang title retention  bid sa pagsisimula ngayon ng UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa  Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Makakaharap ng Baby Tamaraws angLa Salle-Zobel Junior Archers sa ikatlong laro ng nakatakdang quadruple bill  sa alas-2:00 ng hapon.

Sa iba pang mga laban, nakatakdang maupo bilang bagong coach ng National University  si Goldwyn Monteverde sa pagsabak sa University of the East sa unang  laban ganap na  alas -10:00 ng umaga.

Pinalitan ni Monteverde ang long time coach ng Bullpups na si Jeff Napa na kasalukuyang head coach ng Letran sa NCAA.

Magtutunggali naman sa ikalawang laban ganap na 12:00 ng tanghali ang Ateneo de Manila University at Adamson University.

Samantala sa tampok na laban,  magtatapat ang University of Santo Tomas at ang  University of the Philippines Integrated School sa ika-4:00 ng hapon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang rematch sa pagitan ng  last year’s finals protagonists  Baby Tamaraws at Bullpups ay sa Disyembre 3.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: