Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

CJ Perez NCAA MVP

CJ Perez

MANILA, Philippines — Makaraan ang tatlong taon, isang homegrown player ang nahirang na Most Valuable Player ng NCAA matapos magwagi ng NCAA Season 93 MVP si CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University.

Nakaungos ang offguard na si Perez para sa prestihiyosong individual award laban sa mahigpit na katunggaling sina University of Perpetual Help center Prince Eze at San Beda College forward Javee Mcon para maging unang local player na naging MVP kasunod ni scottie Thompson ng Perpetual noong 2014.

Kasama ni Perez sa Mythical Team sina Eze at Mocon gayundin sina Mike Nzeuseu ng Lyceum, Sydney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College.

Namayani naman bilang Rookie of the Year si Jaycee Marcelino ng Lyceum habang Most Improved Player naman si Jed Mendoza ng JRU.

Tumanggap din ng parangal bilang Defensive Player of the Year si Eze na siya ring namuno sa Defensive Team na kinabibilangan nina Christian Buñag ng Mapua, Abdulrazak Abdulwahab ng JRU, Onwubere at Nzeusseu.

Samantala sa juniors division, nagwagi namang MVP si Will Gozum ng Mapua.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: