Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Red Lions sa game 1

MANILA, Philippines — Ginamit ng San Beda ang kanilang championship  experience para makauna sa kanilang best-of-three finals series ng Lyceum of the Philippines University matapos ang 94-87 panalo sa NCAA Season 93 men’s basketball  finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Muling nagpamalas ng kanyang natatanging ga-ling si Robert Bolick sa final minute ng laro kung saan isinalansan niya ang anim sa huling siyam na puntos ng Red Lions upang giyahan ang panalo.

Pumukol ng tres si Bolick sa harap ni Lyceum center Mike Nzeusseu upang ilayo ang Red Lions,  86-82, may 1:28 minuto pa ang nalalabi.

Kasunod nito, na-foul si  Bolick habang akmang muling bibitaw ng tres at ipinasok ang iginawad sa kanilang tatlong free throws na sinundan pa niya ng isang lay up para palobohin ang bentahe sa 91-82, 35 segundo na lamang ang nalalabi.

Sa unang laro,  nagtuluy-tuloy ang ratsada ng 4th seed CSB-La Salle Greenhills matapos patalsikin ang  topseed San Beda nang iposte ang 1-0 bentahe sa best-of-3 finals series sa juniors division sa pamamagitan ng 74-68 na paggapi sa defending champion Mapua.

Namuno sa Junior Bla-zers sina Joel Cagulangan at Joshua David na may tig-17 puntos.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: