^

PM Sports

No. 1 pa rin ang Pinas sa Southeast Asia sa bagong FIFA ranking

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatili pa rin ang Pilipinas bilang top team sa Southeast Asian region dahil sa kanilang magandang ipinakita sa third round ng Asian Cup qualifiers ay umakyat ang Philippine Azkals sa No. 116 sa pinakabagong FIFA men’s world rankings.

Ang pinakamataas na FIFA ranking na nakuha ng Pilipinas ay No. 115 noong Mayo ng 2016.

Nasa ilalim ng bansa sa hanay ng mga Southeast Asian countries ang Vietnam (No. 121), Thailand (No. 138) at Myanmar (No. 155).

Nanggaling ang Pilipinas sa pagiging World No. 123 noong Setyembre.

Pinuwersa ng Azkals ang Yemen sa 1-1 draw sa third round ng Asian Cup qualifiers noong Oktubre 10 sa Doha, Qatar.

Ang goal ni Mike Ott sa 89th minute ang nagtabla sa Nationals sa Yemen team para sa final score.

Kasalukuyang bina-banderahan ng Pilipinas ang Group F mula sa itinalang walong puntos sa apat na laro kasunod ang Yemen at Tajikistan na parehong may 6-points.

Sa susunod na buwan ay lalabanan ng Azkals ang Nepal sa Kathmandu, habang magtatagpo naman ang Tajikistan at Yemen.

Kung mananaig ang Azkals kontra sa Nepal ay maglalaro ang koponan sa AFC Asian Cup sa United Arab Emirates sa 2019.

Dahil dito ay magi-ging ‘no bearing’ game na lamang ang pagsagupa ng Azkals laban sa mga Tajiks sa Bacolod City sa Marso ng susunod na taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with