^

PM Sports

Na-achieve ng Lyceum

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng Lyceum of the Philippines University ang makasaysayang sweep matapos nilang muling pataubin ang defending champion San Beda College, 107-105 sa larong inabot ng dalawang overtime kahapon sa pagtatapos ng double round eliminations ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtala ng 27 puntos at 21 rebounds si Cameroonian center Mike Nzeusseu habang nagdagdag ng 20 puntos, 6-rebounds, 6-assists at 4 steals si CJ Perez upang pangunahan ang ika-18 sunod na panalo ng Pirates.

Naiwan ng sampung puntos sa halftime, nakahabol pa ang Red Lions at naitabla ang laro sa pagtatapos ng regulation sa 85-all para sa unang overtime.

May tsansa na sanang ipanalo ng San Beda ang laro sa unang overtime ngunit nabigyan pa ng tsansang mahatak ng Pirates ang laro sa second extension nang maka-split sa free-throw line si Perez kasunod ng looseball ni Jomari Presbitero at walang naibuslo si Bolick sa kanyang dalawang foul shots sa natitirang 1.5 segundo para sa iskor na 97-all.

Sa ikalawang overtime, nakaagwat ang Pirates,  106-103 sa pinagsanib na puwersa nina Perez at Nzeusseu ngunit naibaba pa ito ni Robert Bolick sa 105-106 bago sinelyuhan ni Perez ang panalo ng isa uling split sa natitirang 1.9 segundo.

“Credit to the boys cause they never give up and credit to all our coaches for working together for this team,” pahayag ni coach Topex Robinson.

Nauwi sa wala ang career high na 34 puntos at 12 rebounds ni Donald Tankoua dahil hindi nito naisalba ang San Beda na tumapos na no. 2  sa 16-2, panalo-talo.

Sa ikalawang laro, pasok sa playoff para sa huling Final Four Berth ang season host San Sebastian College  matapos gapiin ang University of Perpetual Help, 80-60.

Dahil sa panalo, tumapos ang Stags na may patas na markang 9-9 panalo-talo kapantay ng Letran at Arellano sa ika-apat na puwesto.

Bunga nito, hihintayin nila ang mananalo sa knockout game ng Knights at Chiefs ngayong hapon bilang may pinakamataas na quotient para sa last semifinals slot.

Nagtala ng 23-puntos si RK Ilagan at 21-puntos naman si Michael Calisaan upang pamunuan ang tagumpay na nagbaba sa Altas sa ikasiyam na puwesto hawak ang 4-14 panalo-talo kapantay ng St. Benilde na umangat na pangwalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with