^

PM Sports

5-ginto pa sa para gamers

Pang-masa

KUALA LUMPUR— Nasustinihan ng Team Philippines ang momentum ng kanilang pananalasa kamakalawa sa paghakot ng lima pang gold medals kahapon tampok ang ginto mula kay teenage sprint sensation Cielo Honasan  at powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta sa pagpapatuloy ng 9th ASEAN Para Games dito.

Matapos taguriang ‘fastest woman of the games’ nang kanyang pangunahan ang 100m at 200m race, nagdagdag ng isa pang gold medal ang 15-anyos na si Honasan matapos pangunahan ang 400m for T44 and T45 athletes combined sa kanyang naitalang oras na 63.35 segundo para maging bagong mukha ng  Phl Para athletes na humakot ng walong gold kamakalawa.

Nakuha ng Thailander na si Gagun Pagjiraporn, mas mataas ang classification na T45 kumpara sa T44 ni Honasan, ang trangko sa unang 150 meters ngunit napanghinaan nang humarurot ang Pinay bet tungo sa kanyang ikatlong gold.

Napunta kay Pagjiraporn ang silver sa oras na 66.41 habang ang Cambodian na si Vet Chanta ang naka-bronze sa tiyempong 76.43.

Pagdating sa finish line, napahiga si Honasan at napaiyak dahil sa pagod at dahil na rin sa tuwa matapos ang naibigay niyang karangalan sa bansa.

“Kasi sa sobrang pagod at sobrang saya. Hindi ko napigilan dahil nanalo ako ng tatlong gold,” ani Honasan.

Ipinagpatuloy naman ni Dumapong-Ancheta, isa sa mga Filipino Para Games pioneers, ang kanyang  dominasyon sa over -86kg sa pagbuhat ng 116kg, para talunin si Indonesian Sriyanti at Malaysian Sharifah Raudzah Binti na bumuhat lamang ng 105kg at 95kg, ayon sa pagkakasunod.

Binigyan siya ng pagkakataong i-break ang kanyang record na 118kg ngunit tumanggi si Dumapong-Ancheta dahil nagawa na niya ang kanyang target.

“Mission accomplished,” sabi ng 43-gulang na si Dumapong-Ancheta, ang unang Paralympic medal winner ng Pinas matapos maka-bronze sa Sydney 17-taon na ang nakakaraan.

Ang panalo ni Honasan ay ikawalong gold ng mga Pinoy sa centerpiece event na athletics, kumpara sa limang nakuha noong 2015 Singapore edition.

Sa kabuuan ay may 16-gold na ang mga Pinoy bukod pa sa 17 silvers at18 bronzes para pantayan ang kanilang naging produksiyon sa Singapore patungo sa huling dalawang araw ng kompetis-yon kung saan halos sigurado na sa Indonesia ang overall title sa kanilang 90 golds, 51 silvers at 36 bronze kasunod ang host Malaysia na mayroong 68-63-51 (gold-silver-bronze) production.

Ang tatlo pang gold ng Pinas kahapon ay galing kina  three-wheeled sprinter Prudencia Panaligan sa 200m for T53/54, wheelchair-bound thrower Cendy Asusano  na kumopo ng kanyang ikalawang gold at thrower Rosalie Terrefiel.

Inaasahang hahakot pa ng gold ang Phil team sa track ngayon gayundin sa chess competition sa pangunguna ni Sande Severino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with