^

PM Sports

SBC vs CSB sa NCAA table tennis title

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng defending champion San Beda College ang kanilang ikalimang sunod na titulo sa paghaharap nila ng College of St Benilde sa finals ng women’s division ng NCAA Season 93 table tennis tournament sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Winalis ang siyam nilang laban sa eliminations, tinalo ng Lady Red Paddlers na kinabibilangan nina first singles player Abbie Nuevo, hindi pa natatalo matapos ang 10 laro, doubles duo Kryslyn Meñez at Francess Villanueva at second singles player Angel Sanchez, ang 4th seed Lyceum of the Philippines, 3-0 sa semifinals para sa ika-sampung sunod nilang panalo para umusad sa kampeonato.

Naitakda ang pagtatapat nila ng dating 8-time champion Lady Blazers sa kampeonato pagkaraang magwagi ang huli kontra sa third seed Letran,3-0.

Sa men’s division, magtutunggali naman sa finals ang reigning titlist CSB Blazers at Letran makaraang magwagi sa kani-kanilang mga nakatunggali sa nakaraang Final Four round.

Pinadapa ng four-peat seeking Blazers ang Lyceum Pirates, 3-0 habang tinalo naman ng Knights ang San Beda Red Paddlers, 3-1.

Sa juniors division, ginulantang ng 4th seed Arellano Braves ang topseed San Sebastian College nang patalsikin ng mga ito ang Staglets, 3-2 para maitakda ang pagtatapat nila ng defending champion San Beda na nanaig naman sa Letran, 3-0. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with