^

PM Sports

Diaz, Cray nagkasya sa silver

Pang-masa
Diaz, Cray nagkasya sa silver

Ang Philippine delegation sa parade of teams. PARA Games photo

ASHGABAT, Turkmenistan – Kapwa nabigo sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at Fil-American Eric Cray na makuha ang gold sa kani-kanilang events sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) kamakalawa ng gabi dito sa Ashgabat Olympic Complex.

Nakuntento si Diaz sa silver medal nang maglista ng kabuuang 204 points para pumangalawa kay Liao Qiuyun (208) ng China sa pinagsamang pagbuhat sa snatch at clean and jerk sa 53kg category.

“Kaya ko pa pala,” sabi ng 26-anyos na pambato ng Zamboanga City.

“Sabi ko nga ayoko na, gusto ko na mag-give up kasi nahirapan ako mag-disiplina. Pero hindi din ako nag-give up… kaya ko pala, napatunayan ko na kaya ko pa, wala sa age. Hindi dahil nanalo ka na hindi ka na puwedeng bumalik pa, puwede pa pala,” dagdag pa nito.

Sumegunda naman si Cray sa 60m run sa kanyang tiyempong 6.63 segundo sa ilalim ng 6.55 segundo ni reigning champion Hassan Taftian ng Iran kasunod si Iranian Reza Ghasemi (6.64).

Si long jumper Janry Ubas ay pumang-apat lamang sa kanyang nilundag na 7.40-meters sa ilalim nina gold medalist Nguyen Tien Trong ng Vietnam (7.48m), Amila Pedige ng India (7.45m) at Chan Ming Tai ng Hong Kong (7.44m).

Sa taekwondo, nagkasya sina Kristie Elaine Alora at Kristopher Ro-bert Uy sa bronze medal matapos matalo sa semifinals kontra kina Svetlana Osipova (8-16) ng Uzbekistan at Liu Jintao (10-27) ng China, ayon sa pagkakasunod.

Sa women’s tennis, kasalukuyan pang nagla-laro sina Anna Patrimonio at Khim Iglupas sa second round habang isinusulat ito.

Katapat ni Patrimonio si Aldila Sutjiadi ng Indonesia matapos talunin si Saintly Molotii, 6-1, 6-0 ng Tuvalu sa first round  habang kaharap ni Iglupas si Chompoothip Jundakate ng Thailand makaraang kunin ang 6-0, 6-1 panalo kay Vienna Kumar ng Fiji.

Sa men’s singles, natalo si Jason Patrombon kay Farrukh Dustov, 7-5, 6-2 sa first round.

Sasabak si Patrombon sa mixed event katambal si Iglupas na makakatuwang naman si Patrimonio sa women’s doubles.

Samantala, naubos naman ang mga Pinoy sa wrestling sa Main Indoor Stadium.

Ang mga ito ay sina Joseph Angana (70kg freestyle), Michael Carter (55kg classic), Jonathan Maquilan (65kg classic), Grace Loberanes (50kg classic), Noemi Tener (60kg classic) at Chris Hofmann Jr. (90kg free).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with