^

PM Sports

Kailangang mag-level-up ang ROS

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinimok ni Rain or Shine coach Caloy Garcia ang kanyang tropa na itaas ang level ng kanilang laro laban sa Alaska Aces ngayon sa 2017 PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tangan ang 5-4 win-loss record, haharapin ng Elasto Painters ang eliminated nang Aces sa alas-4:15 ng hapon habang hangad naman ng San Miguel Beermen ang pang-pitong panalo sa kanilang laban ng wala nang pag-asang Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi.

Dalawa pang laro ang natitira para sa Elasto Painters kaya mayroon pa silang pag-asang umakyat sa top four pagkaraan ng elimination round upang makuha ang twice-to-beat bentahe sa quarterfinal round.

Pagkatapos ng panalo ng Blackwater Elite sa Globalport, 118-107 noong Linggo, na-kumpleto na ang 8-team quarterfinal cast kaya nalaglag ang Alaska Aces at Batang Pier sa habulan sa huling quarterfinal slot.

Ang Aces at Batang Pier ay may parehong 3-7 card kaya kahit manalo pa sila sa huli nilang laro ay hindi na rin nila maaabot ang Blackwater na mayroong 5-5 record.

“Alaska is not a team that you can just relax against with. We have to come out with the mentality of wanting to win rather than just playing the game, if we want to win,” sabi ni Garcia.

Para naman sa Alaska, kahit wala nang pag-asang makapasok sa quarterfinals, nais nilang magkaroon pa ng kaunting impact ang kampanya sa season-ending conference.

“We are already eliminated, but we will compete and honor the game. Rain or Shine is tough and playing well but we will do our best to give them playoff-level basketball,” ayon naman kay Alaska coach Alex Compton.

Sa iba pang laro, pipilitin pa rin ng Grandslam-seeking Beermen na makapasok sa top four sa pamamagitan ng pagpapadapa sa Fuel Masters upang manatiling buhay ang pag-asa sa twice-to-beat advantage.

Hawak ng Beermen ang 6-3 record kaya puwede pang makatabla sa huling top four slot.

Tangan ng top four teams ang twice-to-beat bentahe pagkatapos ng elimination round kung saan haharapin ng No. 1 ang No. 8 at No. 2 laban sa No. 7 habang ang No. 3 ay lalaban sa No. 6 at No. 4 at No. 5 naman sa ibang quarterfinal match.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with