^

PM Sports

Baste ayaw Mapahiya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatangkain ng San Sebastian College  na maging ikalawang host school na magwagi sa NCAA on Tour sa pagho-host laban sa Jose Rizal University na wala ang kanilang top player at skipper  na si Michael Calisaan sa pagpapatuloy ng  93rd NCAA basketball tournament sa San Sebastian Gym sa Recto Avenue sa Manila.

Pinatawan ng isang larong suspensiyon  si Cali-saan matapos mapatalsik sa kanilang nakaraang 75-73 panalo kontra sa Emilio Aguinaldo Generals sa FilOil Flying V Center  sa San Juan City noong Biyernes kaya hindi ito makakalaro ngayong alas-4 ng hapon  kontra sa Heavy Bombers.

Hindi naman itinanggi ni coach Egay Macaraya na malaking kawalan si Calisaan para sa kanila bilang top scorer at rebounder sa naitala niyang  average na  16.5 puntos at 9 rebounds sa loob ng unang walo nilang laban.

“The only way we can win without Michael (Ca-lisaan) is if we step up as a team, not just one, two or three players,” wika ni Macaraya.

Dagdag ding hamon para sa Stags ang katotohanang haharapin nila ang league  No. 1 defensive squad  na nagawang limitahan ang kanilang kalaban sa league-best na 62.9 puntos kada-laro  na nagluklok sa kanila sa solong ika-4 na puwesto hawak ang 4-3 panalo-talo.

Nasa likuran lamang  nila ang Stags na may patas na 4-4 panalo-talo para sa panglimang puwesto.

Inaming  nangangapa pa rin sa kanyang laro ang top gun nilang si Teytey Teo-doro,  inaasahan ni JRU coach Vergel Meneses na patuloy na mag-i-step-up ang kanyang mga kakampi sa pangunguna nina Jed Mendoza at Ervin Grospe para sa Heavy Bombers.

“He should play na kailangang magawa niyang ma-involve ‘yung mga teammates niya. Kasi pag sa kanya lang yung bola tapos wala yung shooting niya, bumababa na yung kumpiyansa pati ng in,” ayon kay  Meneses.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with