^

PM Sports

‘Di habol ng NLEX ang top draft pick

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Positibong bagay ang maagang bunga ng pagbalasa ni coach Yeng Guiao sa NLEX Road Warriors.

Mula nang dumating sina JR Quiñahan, Larry Fonacier at Alex Mallari sa pamamagitan ng trade transactions, may 5-1 win-loss record na ang naitala ng NLEX. Three-zero ang kanilang panimula sa PBA Governors’ Cup at limang sunod na panalo na ang kanilang ratsada mula last conference.

Kung tuluy-tuloy ang arangkada nila sa season-ending Governors’ Cup, maaaring mawala ang tsansa nila sa top pick sa parating na Annual Rookie Draft.

Pero tunay na sportsman, competitor at true gentleman si coach Yeng Guiao at hindi siya consciously magpapatalo para makuha ang top draft rights. Ganun din naman ang karakter ng NLEX at ang pamunuan nito sa pamumuno ni Ginoong Manny V. Pangilinan.

“I’m not thinking of the No. 1 pick. All I’m thinking is to win. That’s our job, that’s our objective,” ani Guiao, pagkatapos talunin ang Rain or Shine, 122-114 sa double-overtime battle noong Miyerkules.

Kung papasok sa playoffs at tumapos na seventh place pataas, huhulagpos sa kanilang mga kamay ang No. 1 pick o ang tsansa na makuha sa drafting si Christian Standhardinger o si Kiefer Ravena.

“Let the pieces fall its will. Kung ano ang ibibigay sa amin, ‘yun ang tatanggapin namin,” ani Guiao.

Idiniin naman ni Guiao na wala pa rin silang napapatunayan.

“Three-zero doesn’t make us a contender. We’re not yet at a level of the other teams, not Rain or Shine or Alaska teams that we have beat. We’re just having a good run,” aniya. 

***

Naniniwala si GlobalPort coach Franz Puma-ren na perfect fit sa kanila ang kanilang bagong import na si Murphey Holloway.

“He gives us the inside presence, the rebounding. He’s a player that commands a double (double-teaming defense),” ani Pumaren sa import na pinangunahan ang kanilang 100-91 panalo kontra sa Phoenix Petroleum at kanilang magaling rin na import na si Eugene Phelps.

Kahit na may kalaparan at kabigatan ang pa-ngangatawan ni Holloway, nakakasabay siya sa takbuhan dahil dati siyang American football player na nakalaro ng isang season sa NFL.

“Kaya fleet-footed siya. Agile siya. And to think he’s not yet in shape. Mas gagaling pa yan,” ani Pumaren ukol kay Holloway na kumamada ng 29 points at 26 rebounds sa kanyang PBA debut.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with