^

PM Sports

Nag-init agad ang Meralco

Mayen Jaymalin - Pang-masa
Nag-init agad ang Meralco

Napilitang maghanap ng mapapasahan si Blackwater import Trevis Simpson matapos madepensahan nina Cliff Hodge at import Allen Durham. PM photo ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines - Madaling nag-init ang Meralco at magaang na inilampaso ang Blackwater.

Nagtayo ng 29-point lead sa halftime, hindi na nilingon pa ng Bolts ang Elite para ilista ang kanilang 107-78 panalo sa 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kaagad kinuha ng Meralco ang 24-6 abante sa gitna ng first period bago ito palobohin sa 63-31 mula sa basket ni 2016 PBA Best Import Allen Durham bago ang halftime.

Ipinoste ng Bolts, natalo sa nagharing Ginebra Gin Kings sa kanilang championship series noong nakaraang taon, ang 39-point advantage, 93-54 mula sa putback ni Kelly Nabong sa third quarter.

Sapat na ito para tulu-yan nang ibaon ang Elite.

Samantala, tatargetin naman ng NLEX at Phoenix ang kanilang ikalawang sunod na panalo habang magpipilit ang Alaska at Kia na makabangon mula sa una nilang kabiguan.

Lalabanan naman ng Road Warriors ang Picanto ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Fuel Masters at Aces sa alas-5:15 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Habang sinusulat ang artikulong ito ay kasalukuyang naglalaban ang Globalport at Rain or Shine sa ikalawang laro kagabi. (RCadayona)

MERALCO 107 - Amer 20, Durham 18, Lanete 15, Dillinger 14, Newsome 13, Hodge 11, Hugnatan 4, Nabong 4, Caram 2, Yeo 2, Sedurifa 2, Faundo 2, Chua 0, Atkins 0.

Blackwater 78 - Simpson 25, Gamalinda 10, Sena 7, Cruz 7, Digregorio 6, Sumang 5, Erram 4, Canaleta 3, Pascual 3, Aguilar 2, Miranda 2, Banal 2, Cervantes 2, Buenafe 0, Pinto 0.

Quarterscores: 32-15; 63-34; 88-52; 107-78.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with