^

PM Sports

Tanduay ‘di pinaporma ang Gamboa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtala ng record na 53-puntos ang Tanduay Rhum sa kabuuan ng third period na sinimulan din nila sa pamamagitan ng record ding 23-0 run upang pataubin ang Gamboa Coffee Mix,  113-71 kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dikit pa ang laro pagkatapos ng first half, lamang ang Coffee Lovers, 37-34 pagkaraang basagin ng isang  buzzer-beater triple ni Jino Jumao-as ang pagkakatabla ng iskor sa 34-all.

Ngunit sa pagsisimula ng second half,  binuksan ng isang 3-points ni Lester Alvarez ang third period at nagtuluy-tuloy na ang pagragasa ng Rhum Masters.

Nagawa rin nilang limitahan ang kalaban sa 12 puntos habang pinamunuan nina Paul Vanilla,  Von Tambeling at Alvarez ang pagdurog sa Coffee Lovers.

Itinala nina Vanilla at Tambeling ang kanilang  15 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod sa third quarter na natapos sa 87-49 habang 10 puntos naman sa kanyang team high na 17-puntos ang ginawa ni Alvarez sa naturang yugto.

Dahil sa panalo,  umangat ang Rhum Masters sa 3-1 panalo-talo habang bumagsak ang Gamboa sa 1-4 na marka.

Bumalikwas naman ang Batangas mula sa malamyang first half upang magapi ang Zarks Burgers, 124-84 sa ikalawang laro.

Nagrehistro naman si Emil Palma ng 17 markers at 8-assists, si Adrian Santos ay may 15 points at 8-boards habang si Paul Sanga ay may 13 markers para sa Tanduay, na lumamang ng hanggang 44, 113-69 sa huling bahagi ng laro.

Umiskor naman si Ken Acibar ng 16 points at 7-rebounds laban sa kanyang dating team na Gamboa na nalaglag sa 1-4.

Nagtala ng tig -16 puntos sina Cedric Ablaza,  Joseph Sedurifa at Eaton Mendoza  upang pangunahan ang Batangas sa pagpapatatag ng kanilang kapit sa second spot taglay ang barahang 4-1, panalo -talo na nagbagsak mama sa Jawbreakers sa markang 1-5, panalo -talo. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with